5 holdaper patay sa barilan
September 5, 2002 | 12:00am
HAGONOY, Bulacan Lima sa anim na miyembro ng kilabot na sindikato ng karnaping ang kumpirmadong nasawi sa naganap na barilan laban sa pulisya habang nag-iinuman ang mga suspek sa kanilang safehouse kahapon sa Sitio Wawa, Barangay Iba, Hagonoy, Bulacan.
Kinilala ang dalawa sa napatay na sina Pablito Salubod, 45, ng Poblacion at Aurelio Pecitas, tubong Agusan del Sur at aktibong sundalo ng Phil. Army Scout Ranger.
Narekober ng pulisya ang 3 kalibre .45, 2 kalibre.38 baril at 2 granada sa pinangyarihan ng engkuwentro.
Samantala, tatlo pang karnaper ang kasalukuyang bineberipika ang mga pangalan at ang lider na si Roger Avalle ay malubhang nasugatan na ngayon ay nasa Bulacan Provincial Hospital sa sagupaang naganap dakong alas-3:30 ng hapon sa pagitan ng mga tauhan ng PNP-Traffic Management Group at Bulacan PNP provincial command.
Base sa ulat na isinumite kay P/Sr. Supt. Edgar Acuña, Bulacan PNP provincial director, may isang linggong isinailalim sa pagtitiktik ang naturang grupo ng mga awtoridad at ng maging positibo ay sinalakay ang pinagkukutaan.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, namataan ng mga suspek ang paparating na mga awtoridad at imbes na sumuko ay pinaputukan kaagad ang mga tumutugis na pulisya kaya napilitang gumanti naman na ikinasawi ng lima. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest