No. 2 most wanted ng Region 6, nadakip
September 1, 2002 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite - Bumagsak sa mga kamay ng pinagsanib na puwersa ng Dasmariñas PNP, Provincial Intelligence and Investigation Branch (PIIB) Cavite, Special Task Force Group Ilo-Ilo PPO at PACER Group ang number 2 most wanted person sa buong Region 6 sa Brgy. San Lorenzo 1 ng bayang ito, sa isinagawang operation ng mga ito, kahapon ng umaga.
Ang suspek na kasalukuyang dinala sa Camp Crame, Quezon City ay nakilalang si Roman Alfaro Espia, 42 anyos, may asawa residente ng Brgy. Imbulan Banua, Lemery Ilo-Ilo.
Sa ibinigay na report ni Police Supt. Roberto Soriano, hepe ng pulisya sa bayang ito, ganap na alas-8:30 ng umaga ng magsagawa ng warrant operation ang 4 na puwersa sa pinagtataguan ng suspek. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest