^

Probinsiya

2 holdaper dedo sa barilan

-
BIÑAN, Laguna – Dalawang lalaki na pinaniniwalaang mga holdaper ang kumpirmadong nasawi makaraang makipagbarilan sa mga awtoridad at mga security guard sa loob ng golf course sa Barangay Soro-Soro sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay na holdaper na sina Jessie Trencio, 26, at William Gutierrez, 24, kapwa tubong MacArthur, Eastern Samar at pansamantalang naninirahan sa nabanggit na barangay.

Tinamaan naman ng ligaw na bala ang isang batang lalaki na nakilalang si Kevin Espela, 10, ng Brgy. San Francisco na ngayon ay nasa Perpetual Help Hospital sa Biñan, Laguna.

Base sa ulat ni P/Supt. Eduardo Octavio, OIC ng Biñan police station, naganap ang engkuwentro bandang alas-9:30 ng umaga matapos na pumasok ng Southwood golf course ang dalawa saka tinutukan ng baril ang isa sa mga security guard ngunit namataan ng ilang sekyu ang pangyayari kaya kaagad na humingi ng saklolo sa pulisya.

Dito na sumiklab ang barilan hanggang sa mapawi ang usok saka duguang bumulagta ang dalawa. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

BARANGAY SORO-SORO

BRGY

EASTERN SAMAR

ED AMOROSO

EDUARDO OCTAVIO

JESSIE TRENCIO

KEVIN ESPELA

PERPETUAL HELP HOSPITAL

SAN FRANCISCO

WILLIAM GUTIERREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with