Police chief, driver dedo sa ambus
August 29, 2002 | 12:00am
Isang hepe ng pulisya sa bayan ng Vallehermoso, Negros Occidental at driver nito ang kumpirmadong napatay makaraang tambangan ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) malapit sa bayan ng Guihulngan noong Martes, Agosto 27, 2002, ayon sa ulat ng militar kahapon.
Si P/Sr. Insp. Leopito Gallego at ang sibilyang drayber nito na hindi nabatid ang pangalan ay binistay ng bala ng malalakas na kalibre ng baril ng mga rebelde.
Samantala, sugatan naman ang kasamang pulis na hindi rin nabatid ang pangalan.
Kaagad naman ipinag-utos ni Armed Forces Chief of Staff General Roy Cimatu ang all-out offensive laban sa mga rebeldeng responsable sa naganap na pananambang. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest