3 Sayyaf todas sa militar
August 29, 2002 | 12:00am
Tatlong miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang nasawi sa panibagong sagupaan laban sa tropa ng militar sa Talipao, Sulu noong Martes, Agosto 27, 2002.
Gayunman, isa lamang sa mga duguang bangkay ng mga bandido ang nagawang marekober ng mga sundalo matapos na tangayin ang dalawang bangkay ng mga tumakas nilang kasamahan.
Sa ulat na tinanggap kahapon ni AFP Chief of Staff Gen. Roy Cimatu, nabatid na sumiklab ang sagupaan bandang alas-5:15 ng umaga habang nagsasagawa ng troop combat patrol ang mga elemento ng Armys 53rd Infantry Battalion sa masukal na bisinidad ng Barangay Tinga, sa bayan ng Talipao.
Tumagal lamang ng ilang minuto ang putukan hanggang sa mapilitan na lamang ang mga bandido na umatras sa bakbakan matapos na maramdamang dehado sila sa labanan.
Tumakas ang mga bandido patungo sa hilagang kanlurang direksyon ng kagubatan na tangay-tangay ang dalawa nilang napaslang na kasamahan.
Wala namang iniulat na nasugatan sa panig ng tropa ng pamahalaan habang nagpapatuloy naman ang hot pursuit operations laban sa grupo ng mga bandidong ASG na nagsisilbing balakid sa pag-unlad ng lalawigan.
Narekober ng mga sundalo mula sa encounter site ang bultu-bultong bala ng 7.62 MM ammunition na naiwan ng mga nagsitakas na Abu Sayyaf.(Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest