Pamangkin ng konsehal tinodas ng senglot

IMUS, Cavite – Napagtripang saksakin at napatay ang isang 26-anyos na pamangkin ng konsehal ng senglot na lalaki habang ang biktima ay nakatayo sa harap ng tindahan sa Brgy. Anabu-1 sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nagtamo ng malalim na saksak ng balisong sa katawan ay nakilalang si Alvin Nato, binata, pamangkin ni Imus Councilor Danilo Nato at residente ng 159 Brgy. Anabu-1.

Samantala, ang suspek na mabilis na tumakas ay nakilalang si Ramil Tamondong, alyas Tigas ng Family Homes Subdivision, Brgy. Panapaan, Bacoor, Cavite.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Edgardo Nario, naganap ang krimen dakong alas-9:30 ng gabi makaraang lapitan ng suspek na lango sa alak at droga ang biktima at kaagad inundayan ng saksak sa katawan. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments