Biyuda sinunog ang sarili
August 27, 2002 | 12:00am
MALASIQUI, Pangasinan Isang 44-anyos na biyuda na pinaniniwalaang dumanas ng matinding kahirapan sa buhay ang iniulat na nag-suicide sa pamamagitan ng pagbuhos ng gasolina sa katawan saka sinilaban ang sarili noong Martes ng hapon, Agosto 20, 2002.
Sa Naantalang ulat ng pulisya, si Gloria Fernandez de Vera na may, naiwang apat na malilit na anak at residente ng Asin East sa bayang ito ay nagbuhos ng gasolina sa loob ng kanilang bahay bago sinilaban ang sarili.
Bandang alas-dos ng hapon nang sikapin ng mga kapitbahay na apulahin ang apoy na kumalat sa bahay ng biktima at tinangka pang dalhin ang sunog na katawan ng babae ngunit tumanggi itong magpadala sa ospital.
Hindi naman pumayag ang mga kapitbahay na sumaklolo sa biktima kaya mabilis namang isinugod sa Pangasinan Provincial Hospital sa San Carlos City ngunit binawian ng buhay makalipas ang dalawang araw.
Si Fernandez ay namamasukan sa isang kantina sa bayan ng Calasiao bilang helper at pansamantalang tumigil noong Enero dahil sa hindi na nito matagalan ang paghihirap sa buhay. (Ulat ni Eva de Leon)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest