^

Probinsiya

Police chief todas sa ambus

-
BATANGAS CITY – Tinambangan at napatay ang isang hepe ng pulisya ng isang barangay pulis habang papasakay sa kanyang dyip mula sa kaibigan sa Barangay Kumintang, Ibaba sa lungsod na ito noong Sabado ng gabi, Agosto 24, 2002.

Idineklarang patay sa Batangas Regional Hospital ang biktimang si P/Senior Inspector Marcos Barte, 46, ng Brgy. Soro-soro, Batangas City at chief of police sa Sablayan, Occidental Mindoro.

Nakaligtas naman sa naganap na pananambang ang drayber na si Roberto Gudoy at dalawa pang iba na sina Imelda Shin at Ronie Valiente na pawang mga residente ng Oriental Mindoro.

Samantala, ang suspek na positibong nakilala ng drayber ni Barte ay si Agripino Guevarra, alyas Boy at residente ng RK Subdivision, Barangay Kumintang Ibaba.

Base sa ulat na isinumite kay P/Supt. Restito Hernandez, hepe ng Batangas City police station, papasakay na ang biktima sa kanyang dyip na may plakang DLR-601 mula sa ginanap na party ng kaibigan nang lapitan ng suspek.

Ayon pa sa ilang kasama, tinanong ng suspek ang biktima kung siya ang hepe ng nabanggit na himpilan ng pulisya at nang tumango ay pinagbabaril na sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung may kaugnayan ang mga pagbabanta sa buhay ni Barte bago isagawa ang krimen.

May palagay ang pulisya na nagkaroon ng matinding alitan ang biktima at suspek noong siya pa ang hepe ng pulisya sa Batangas City.(Ulat ni Arnel Ozaeta)

AGRIPINO GUEVARRA

ARNEL OZAETA

BARANGAY KUMINTANG

BARANGAY KUMINTANG IBABA

BATANGAS CITY

BATANGAS REGIONAL HOSPITAL

IMELDA SHIN

OCCIDENTAL MINDORO

ORIENTAL MINDORO

RESTITO HERNANDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with