Sintunado sa pagkanta patay sa saksak
August 25, 2002 | 12:00am
RAGAY, Camarines Sur Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang obrero ng kapwa obrero makaraang kumanta ng sintunado sa loob ng videoke bar sa Barangay Poblacion Iraya sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.
Idineklarang patay sa Bicol Medical Center ang biktimang si Erwin Balote, binata at residente ng Brgy. Poblacion Ilawod sa naturang lugar, samantala, ang suspek na mabilis tumakas matapos isagawa ang krimen ay nakilalang si Puti Rogeria, binata ng nabanggit ding barangay.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-12:30 ng madaling-araw makaraang hindi magustuhan ng suspek ang sintunadong kinakanta ng biktima na "My Way".
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na nag-request ang biktima na tugtugin ang awiting "My Way" upang sabayan.
Dahil sa paborito ng suspek ang kanta ay nairita sa sintunadong boses ng biktima na lango na rin sa alak kaya kaagad na nilapitan at sunod-sunod na inundayan ng saksak ng patalim sa ibat ibang bahagi ng katawan. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 3 hours ago
By Cristina Timbang | 3 hours ago
By Tony Sandoval | 3 hours ago
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am