2 biktima ng hostage, na-rescue
August 24, 2002 | 12:00am
BINANGONAN, Rizal Nasagip ng mga operatiba ng Rizal PNP ang dalawang hostage victim kabilang ang 1-anyos na batang lalaki na nagresulta rin sa pagkakaaresto sa nasugatang suspek sa isinagawang rescue operations kahapon ng umaga sa bayang ito.
Ang suspect na si Vicente Mantique, 34, ng Brgy. Tayuman, ng naturang bayan, ay kasalukuyang ginagamot sa Angono Provincial Hospital dahil sa isang tama ng baril sa tuhod.
Base sa report, napilitan na ang rescue team ng Binangonan Police na barilin ang suspek dahilan sa dalawang beses na panghohostage sa nasabing lugar matapos na malagay na sa panganib ang buhay ng isa sa mga biktima.
Nabatid na dakong alas-6:50 ng umaga ay bigla na lamang hinostage ni Mantique si Romulo Concin III, 1-taong gulang, habang naglalaro sa tapat ng kanilang bahay, sa nabanggit ding lugar.
Ang suspek na armado ng itak ay hindi nakuha sa pakiusap kaya umaksiyon na ang ama ng biktima na si Romulo Sr., 26, at isang kapitbahay na si Reynaldo Balundo, na umikot sa likuran.
Nagawang madis-armahan ng mga ito ang suspek bago pinosasan ng mga pulis at dinala sa presinto ngunit pagsapit sa istasyon ay nasira nito ang kanyang posas at nakatakas.
Nagtatakbo ang suspek at nakarating sa isang lugar at hinostage si Maritess Esguerra.
Muling nagkaroon ng negosasyon sa pagitan ng pulisya ngunit nagmatigas pa rin ang suspek kaya binaril na ito ng mga pulis nang akmang saksakin na si Esguerra. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 2 hours ago
By Cristina Timbang | 2 hours ago
By Tony Sandoval | 2 hours ago
Recommended