^

Probinsiya

3 habambuhay sa rapist ng 12-anyos

-
ANTIPOLO CITY Hinatulan kahapon ng tatlong habambuhay na pagkabilanggo ng Antipolo Regional Trial Court (RTC) ng lungsod na ito ang mekaniko na positibong napatunayang nanggahasa sa isang 12-anyos na batang babae na anak ng kanyang live-in partner may siyam na taon na ang nakararaan.

Iniutos pa ni Antipolo City RTC Executive Judge Mauricio Rivera, ng Branch 73, sa akusadong si Alejandro Rellota, ng Brgy. Inarawan, Antipolo, na bayaran nito ang biktimang si Aileen (hindi tunay na pangalan) ng halagang P150,000 bilang danyos.

Base sa record ng korte, si Rellota, na kalive-in ng ina ni Aileen at sinimulang abusuhin ito noong Setyembre, 1993, sa tuwing maiiwan siyang nag-iisa sa bahay ngunit puro halik lang at himas sa ari ang ginagawa ng akusado sa stepdaughter.

Noong Disyembre 20, 1994, ang akusado ay muli na namang nagtangka sa bikti-ma ngunit nakatakbo ito at agad na nagtungo sa kan- yang kapatid na si Lourdes at kapitbahay na si Magda at sinamahan ito sa mga awtoridad.

Hindi tinanggap ng korte ang alibi ng suspek na may tampo lamang sa kanya ang biktima kaya pinararatangan siya ng panghahalay nito. (Ulat ni Joy Cantos)

AILEEN

ALEJANDRO RELLOTA

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO REGIONAL TRIAL COURT

BRGY

EXECUTIVE JUDGE MAURICIO RIVERA

HINATULAN

INARAWAN

JOY CANTOS

NOONG DISYEMBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with