Paslit pisak sa trak

CARMONA, Cavite – Maagang binawian ng buhay ang isang limang taong gulang na batang babae matapos na masagasaan ng trak habang ang biktima ay tumatawid sa kahabaan ng Barangay Mabuhay sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Animo’y lantang gulay na napisak ang katawan ni Jessica Galupo, ng Quarry road sa nabanggit na barangay, samantala, ang drayber na ngayon ay nakapiit ay nakilalang si Eliseo Gon-gong, 28, ng Poinsettia St., Elvinda Village, San Pedro, Laguna.

Sa ulat ni PO1 Richard Mojica, naglalaro ang biktima bandang alas-4:50 ng hapon nang biglang tumawid sa kalsada kaya hindi na naiwasan pa ng drayber at nahagip ng trak na may plakang TED-121. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments