3 habambuhay sa amang rapist
August 23, 2002 | 12:00am
TAYTAY, Rizal Tatlong habambuhay na pagkabilanggo ang ipinataw ng mababang korte sa isang rapist na ama matapos na mapatunayang gumahasa ng ilang ulit sa sariling anak na babae simula noong Marso 1997 hanggang Abril 1999 sa bayang ito.
Sa dalawang pahinang desisyon ni Antipolo City Regional Trial Court Executive Judge Mauricio Rivera ng Branch 73, pinagbabayad din ang akusadong si Fidel Marquez ng halagang P120,000 sa biktima bilang moral damages.
Base sa rekord ng korte lumalabas na si Marquez ay gumamit ng puwersa para maisagawa ang maitim na balak sa kanyang anak na 11-anyos.
Hindi naman binigyan ng timbang ng korte ang alibi ng akusado sa naganap na krimen bagkus ay kinatigan ang testimonyang isinumite ng biktima.
Ang akusado ay hindi umamin sa naturang krimen at sa isinagawang cross examination sa korte, lumalabas na nagsinungaling si Marquez. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am