^

Probinsiya

Misis na buntis todas sa gulpi ng mister

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Isang misis na tatlong buwang buntis ang kumpirmadong nasawi makaraang gulpihin ng sariling mister na pinaniniwalaang lango sa droga sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Mojon, Malolos, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Bulacan Provincial Hospital ang biktimang si Analiza dela Cruz, 21, samantala, ang adik na mister na ngayon ay nakakulong sa Malolos police station ay nakilalang si Victoriano dela Cruz, 23, walang tiyak na trabaho at kapwa residente ng Cabyawan St. ng nabanggit na barangay.

Sa isinumiteng ulat kay P/Sr. Supt. Edgar Acuña, Bulacan PNP provincial director, dumating sa kanilang bahay ang suspek na lango sa droga dakong alas-9 ng gabi habang ang kanyang misis ay nagpapahinga.

Ilang minuto pa lamang ang nakalilipas ay sinermunan ng babae ang kanyang mister na tumigil na sa paggamit ng droga na ikinairita naman ng suspek.

Ilan sa mga kapitbahay ng mag-asawa ang nakarinig ng sigawan at kalabog na animo’y nag-aaway ngunit binalewala nila dahil sa malimit na mag-away ang dalawa.

Ayon sa ulat ng pulisya, pinaghinalaan din ng suspek ang kanyang misis na may ibang lalaki at hindi sa kanya ang dinadalang sanggol sa sinapupunan.

Ang mainitang pagtatalo ng mag-asawa ay nauwi sa pambubugbog ng suspek sa kanyang misis na naging dahilan upang duguin ang babae hanggang sa kalawitin ni kamatayan. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

ANALIZA

BARANGAY MOJON

BULACAN

BULACAN PROVINCIAL HOSPITAL

CABYAWAN ST.

CRUZ

EDGAR ACU

EFREN ALCANTARA

MALOLOS

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with