7 grinanada habang nagbabaraha, kritikal
August 22, 2002 | 12:00am
COTABATO CITY Pito katao kabilang na ang babaeng buntis ang iniulat na malubhang nasugatan matapos na hagisan ng granada habang naglalaro ng baraha sa Barangay Timanan, South Upi, Maguindanao kamakalawa ng gabi.
Lima sa mga biktima ay kasalukuyang inoobserbahan sa Cotabato Medical Center dahil sa matinding tama ng sharpnel ng sumabog na granada.
Samantala, ang mga suspek na hindi pa nakikilala ay mabilis na tumakas sa hindi nabatid na direksyon.
Kumbinsido naman ang mga local official na pulitiko ang nasa likod ng krimen dahil ang mga biktima ay masugid na tagasuporta ni Jabbar Sinsuat, brgy. chairman ng Timanan at presidente ng League of Barangay Chairmen sa South Upi.
Ayon kay P/Sr. Supt. Amerodin Hamdag, Maguindanaos police director na balwarte ni Sinsuat ang Brgy. Timanan at siya ang may pinakamalaking botong nakuha noong nakalipas na halalan.(Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 10 hours ago
By Cristina Timbang | 10 hours ago
By Tony Sandoval | 10 hours ago
Recommended