Bangko hinoldap, sekyu grabe
August 22, 2002 | 12:00am
IMUS, Cavite Milyong halaga ng pera ang naholdap sa isang kilalang bangko sa Cavite ng anim na nagpanggap na kliyente, samantala, ang guwardiya ay nasa malubhang kalagayan matapos na barilin ng isa sa mga holdaper kahapon ng umaga sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Barangay Anabu 2-D sa bayang ito.
Kasalukuyang ginagamot sa University Medical Center si Ponciano Porio, 31, may asawa ng Brgy. Toclong 2, Imus, Cavite at nakatalagang security guard sa bangko.
Sa ulat ni P/Chief Insp. Rhodel Sermonia, dakong alas-10 ng umaga nang pumasok sa bangko ang tatlong kalalakihan na nagpanggap na mga kliyente ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay binaril kaagad si Porio.
Nagsilbing tagamasid ang dalawa sa labas ng bangko at makaraan lamang ang labinlimang minuto ay naisagawa na ang krimen saka tumakas sakay ng asul na kotse na may plakang (WLN-199).
Sa hindi maipaliwanag na dahilan kahit na nakatanggap ng ulat na may nagaganap na holdapan sa naturang lugar ay hindi na inabutan ng mga nagrespondeng pulis-Imus ang mga holdaper kahit na nagsagawa ng dragnet operation. (Ulat nina Cristina Go-Timbang/Mading Sarmiento)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest