^

Probinsiya

8 timbog sa 900 pinutol na kawayan

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan — Walo katao ang iniulat na dinakip ng pulisya makaraang masabat ang truck na may lulang 900 pinutol na kawayan na walang kaukulang papeles mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) habang bumabagtas sa kahabaan ng Brgy. Isidro, San Jose del Monte City, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang mga lumabag sa ilalim ng Anti-Forest Law na sina Luzviminda Janaban, 34; Adelito Bantayan, 21; Michael Pasion, 23; truck driver na si Reynaldo Flores, 43; Benjamin dela Cruz, 23; Cresbel Veranio, 19 na pawang residente ng Commonwealth Avenue, Quezon City at sina Rex dela Cruz, 30; at Crispin Galledo, 21.

Sa isinumiteng ulat kay P/Sr. Supt. Edgar Acuña, Bulacan PNP provincial director, nasabat ang mga pinutol na kawayan lulan ng truck (WPC-280) bandang alas-3 ng madaling-araw.

Dahil sa walang anumang takip ang truck na pinaglagyan ng mga pinutol na kawayan na pinaniniwalaang dadalhin sa Metro Manila ay pinara ng mga nagpapatrulyang pulis.

Wala namang maipakitang mga papeles ang mga suspek sa tangkang pagpuslit ng mga kawayan na nagkakahalaga ng P60,000. (Ulat ni Efren Alcantara)

ADELITO BANTAYAN

ANTI-FOREST LAW

BULACAN

COMMONWEALTH AVENUE

CRESBEL VERANIO

CRISPIN GALLEDO

CRUZ

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

EDGAR ACU

EFREN ALCANTARA

LUZVIMINDA JANABAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with