15 menor de edad naisalba sa rice mill
August 17, 2002 | 12:00am
STA. ROSA, Nueva Ecija Labing-limang menor-de-edad ang nailigtas ng pinagsanib na ahensiya ng pamahalaan at ng pulisya sa kanilang isinagawang rescue operation sa mga ito sa isang mill sa Barangay Centro Rajal, dito, kamakalawa ng gabi.
Sadyang itinago ng mga awtoridad ang mga pangalan ng 15 kabataan upang maproteksyunan ang kanilang pagkatao. Ang mga kabataang ito na ngayon ay nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay pawang nagtatrabaho sa Rice Mill na pag-aari ni Herminigildo Maningas, negosyante ng naturang lugar.
Nailigtas ang mga menor-de-edad dakong alas-9:45 ng gabi ng mga tauhan ng Task Force Jericho ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Labor and Employment (DOLE), DSWD, Police Intelligence Branch (PIB) at ng mga tauhan ng Nueva Ecija PNP. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 22 hours ago
By Doris Franche-Borja | 22 hours ago
By Jorge Hallare | 22 hours ago
Recommended