Anak na praning, ina at utol kinatay bago nagpakamatay
August 17, 2002 | 12:00am
Isang na-praning sa droga ang walang awang pumaslang sa sariling ina at kapatid nang ibaon nito ang 6 na pulgadang kutsilyo sa katawan ng mga ito bago tuluyang magpakamatay kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Inspector Andrew Gomez ng Brgy. Dalipuga Police Station ang biktima na mag-inang sina Templo Dalangit, 64 at Salik, 28, kapwa ng Purok 2, Tag-ibo, Dalipuga.
Nakilala naman ang suspek na agad ring nasawi ng magsaksak ng sarili na si Kabib Saripada, 37 residente rin ng nabanggit na address.
Lumitaw sa imbestigasyon na dakong alas-10:00 ng gabi kamakalawa nang magsimulang mapraning ang suspek at pag-uundayan ng saksak ang ina at kapatid na kaagad na ikinamatay ng mga ito.
Nang mahimasmasan umano ang suspek at makitang napatay niya ang kaniyang ina at kapatid ay agad din itong nagpatiwakal na agad din nitong ikinamatay. (Ulat ni Lino dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 20 hours ago
By Doris Franche-Borja | 20 hours ago
By Jorge Hallare | 20 hours ago
Recommended