Binatilyo tinigok dahil sa panliligaw
August 16, 2002 | 12:00am
TAGAYTAY CITY Isang 14-anyos na binatilyo ang kumpirmadong nasawi makaraang pagtulungang saksakin ng pamilya ng nililigawang babae ang biktima sa Barangay Maharlika West sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.
Dalawamput dalawang saksak sa katawan ang tinamo ng biktimang si Ryan Navarro ng Brgy. San Jose sa lungsod na ito. Samantala, ang mga suspek na mabilis na tumakas ay nakilalang sina Jaime, Amando at Peyong Capoquian.
Hindi rin inabutan ng mga nagrespondeng pulis ang nobya ng biktima na si Jenny Capoquian matapos isagawa ang krimen dakong ala-1:15 ng hapon.
May teorya ang pulisya na galit ang pamliya ni Jenny sa biktima na magkatuluyan ang dalawa kaya nagpasyang patayin ang binatilyo. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest