^

Probinsiya

Mercury pollution nakaamba sa Batangas

-
CALACA, Batangas – Nagpahayag ng pangamba ang mga residente ng Batangas partikular na sa bayan ng Calaca sa nakaambang "mercury pollution" dulot ng mga planta ng kuryente na pinaaandar ng coal-fired ng Napocor.

Dahil dito, umapela ang taumbayan sa nabanggit na korporasyon na agad na isara ang mga plantang ito at palitan ng gas-fired power plants.

Ang 600-megawatt Calaca power plant ay pangunahing nagpapakalat ng nakalalasong mercury na walang kamuwang-muwang ang taumbayan.

Sa ginawang pagsusuri ng Phil. Institute for Pure and Applied Chemistry (PIPAC) ng Ateneo de Manila University sa mga sample ng abo mula sa ibinubuga ng naturang planta, lumalabas na kontaminado ito ng nakalalasong neurotoxin mercury.

Ayon pa sa PIPAC na one-seventh teaspoon ng neurotoxin mercury ay maaring makontamina ang 62-ektaryang lawa ng tubig at maapektuhan ang mga isda na hindi maaring kainin ng tao.

Umapela din ang mga residente sa Senado na masusing imbestigahan ang ulat na ang ginagamit sa Calaca coal plant ay substandard fuel na nagiging dahilan upang magbuga ito ng nakamamatay na mercury pollution sa komunidad.

vuukle comment

ATENEO

AYON

BATANGAS

CALACA

DAHIL

MANILA UNIVERSITY

NAGPAHAYAG

NAPOCOR

PURE AND APPLIED CHEMISTRY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with