^

Probinsiya

Hostage-taker todas sa parak

-
SAN ISIDRO, Nueva Ecija – Isang 30-anyos na lalaki ang kumpirmadong nasawi makaraang mabaril nang mang-hostage ng saleslady sa loob ng flower shop sa Barangay Poblacion kamakalawa ng umaga.

Idineklarang patay sa San Antonio District Hospital ang hostage-taker na si Joseph Pillos, tubong Masbate at residente ng Barangay San Fernando Sur, Cabiao, Nueva Ecija.

Sugatan naman ang na-hostage na si Eliza Santiago Pangilinan, 36, saleslady ng Aysa’s flower shop sa tinamong sugat ng patalim sa leeg.

Nabatid sa isinumiteng ulat kay P/Chief Insp. Arnel V. Santiago, hepe ng San Isidro police station, bago naganap ang hostage drama ay nagnakaw ang suspek ng isang antigong candelaria sa simbahang katoliko dakong alas-11 ng umaga.

Kaagad namang naipagbigay-alam sa pulisya ng ilang nakasaksi ang ginawang pandurugas ng suspek kaya hinabol hanggang sa makapasok sa naturang lugar.

Dito na nang-hostage ang suspek ng saleslady at habang nakikipagnegosasyon ang pulisya ay nagmatigas naman si Pillos na hindi sumuko.

Habang kinakausap ng tumatayong negosyador si Pillos ay nakatiyempo naman si SPO2 Reynaldo Mesina na barilin sa batok ang suspek na ikinasawi nito. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ARNEL V

BARANGAY POBLACION

BARANGAY SAN FERNANDO SUR

CHIEF INSP

CHRISTIAN RYAN STA

ELIZA SANTIAGO PANGILINAN

JOSEPH PILLOS

NUEVA ECIJA

PILLOS

REYNALDO MESINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with