^

Probinsiya

2 tripulante patay sa sumabog na barko

-
Dalawang tripulante ng pampasaherong barko ang kumpirmadong nasawi, samantala, apat pang iba ang malubhang nasugatan makaraang sumabog ang engine room ng pampasaherong barko sa Ormoc pier sa Leyte kahapon ng umaga.

Kinilala ng Phil. Coast Guard ang mga nasawing biktima na sina Benjie Alcala, assistant engineer at Lope Tumanda, oiler na nagtamo ng malalim na sugat sa ulo at tiyan.

Samantala, ang mga nagtamo ng 3rd degree burns ay nakilalang sina Edgar VillaGonzalo, chief engineer, 2nd engineer Charlton Ragadio, 3rd engineer Rey Gardoce at Jun Areola, assistant engineer na ngayon ay ginagamot sa Ormoc Sugar Planters Association Hospital.

Sa inisyal na ulat na nakarating kahapon sa Philippine Coast Guard, naganap ang pangyayari dakong alas-11 ng umaga habang nakadaung ang M/V Tacloban Princess of Sulpicio Lines, Inc.

Bagong daung ang barko na walang pasahero sa nabanggit na pantalan upang mag- repair ng auxillary engine nang maganap ang pagsabog.

Sinabi ni Armand Balilo, tumatayong tagapagsalita ng Phil. Coast Guard na kasalukuyang binubuksan ng mga tripulante ang isang pressurized tank sa engine room na nasa ilalim ng barko at sa hindi pa mabatid na dahilan ay biglang sumabog.

Kasalukuyang sinisiyasat pa ng mga awtoridad ang naganap na pagsabog. (Ulat ni Jose Aravilla)

ARMAND BALILO

BENJIE ALCALA

CHARLTON RAGADIO

COAST GUARD

JOSE ARAVILLA

JUN AREOLA

LOPE TUMANDA

ORMOC SUGAR PLANTERS ASSOCIATION HOSPITAL

PHILIPPINE COAST GUARD

REY GARDOCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with