^

Probinsiya

7 bahay ng drug dealers sinalakay

-
BAGUIO CITY – Pitong bahay na pinaniniwalaang pinagkukutaan ng mga drug dealer ang ni-raid ng pinagsanib na puwersa ng 503rd Brigade Military Intelligence and Coordinating Officer (MICO) at pulisya sa Barangay Abu, Poblacion at Narvacan kamakalawa ng umaga.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang labinlimang gramo ng shabu, drug paraphernalias, malalakas na kalibre ng baril pampasabog at hindi nabatid na bilang na bala ng baril.

Sa pahayag ni Army Brig. General Rodolfo Alvarado, naisagawa ang pagsalakay bandang alas-6 ng umaga noong Sabado, Agosto 10, 2002 sa bagong abandonadong mga bahay sa tatlong nabanggit na barangay.

Pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan ng may-ari ng mga bahay hanggang hindi naisasampa ang kaukulang kaso sa korte.

Nauna rito, napag-alaman sa ulat ni Northern Luzon Narcotics Office P/Supt. Orlando Mabutas na kalimitang ginagawang bagsakan ng droga at malalakas na kalibre ng baril ang dalampasigan ng Ilocos at Cagayan regions kaya pinamamatyagan niya ang naturang lugar. (Ulat ni Artemio A. Dumlao)

AGOSTO

ARMY BRIG

ARTEMIO A

BARANGAY ABU

BRIGADE MILITARY INTELLIGENCE AND COORDINATING OFFICER

DUMLAO

GENERAL RODOLFO ALVARADO

ILOCOS

NORTHERN LUZON NARCOTICS OFFICE P

ORLANDO MABUTAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with