Tumulong sa sunog nakuryente, todas

BACOOR, Cavite –Dahil sa pagtulong na maapula ang nasusunog na bahay ng kaibigan ay maagang kinalawit ni kamatayan ang isang-35-anyos na dalaga makaraang mabagsakan ng talop na linya ng kuryente sa Barangay San Nicolas 3 sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Molino Doctors Hospital ang biktimang si Ruby dela Cruz ng Green Valley Subd. ng naturang lugar.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Dante Ordono, naganap ang pangyayari bandang alas-3 ng hapon matapos na tumulong ang biktima na maapula ang nasusunog na bahay ni Edwin Almonero. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments