Biyuda inakyat sa bahay tinodas, 2 grabe

BIÑAN, Laguna –Isang 65-anyos na biyuda ang iniulat na nasawi, samantala, dalawa nitong kasamang babae ang malubhang nasugatan makaraang pasukin ang kanilang bahay ng hindi nakilalang lalaki saka pagsasaksakin ang mga biktima sa Southville Subdivision sa bayang ito noong Huwebes ng madaling-araw, Agosto 8, 2002.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Perpetual Hospital si Cecilia Liberato, isang pensiyunada, samantala, kasaluyan namang nasa kritikal na kondisyon sina Marissa Grapaldo, 17 at Janet Coderez, 14, dahil sa tinamong maraming saksak ng patalim sa katawan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na dakong alas-2 ng madaling-araw nang pasukin ng mandurugas ang bahay ng biktima habang natutulog at bago tumakas ay tinangay pa ang hindi pa mabatid na halaga at mamahaling alahas. (Ulat ni Ed Amoroso)

Show comments