^

Probinsiya

2 todas, 2 sugatan sa bus holdap

-
BALAGTAS, Bulacan – Dalawa katao kabilang na ang isa sa mga holdaper ang kumpirmadong nasawi makaraang makipagbarilan sa loob ng pampasaherong bus sa North Expressway na sakop ng Barangay Burol Uno sa bayang ito noong Biyernes ng gabi, Agosto, 9, 2002.

Isa sa apat na holdaper ang napatay ay nakilalang si Salvador Salceda ng Lilac St., Fairview, Quezon City at ang pasaherong tinamaan ng ligaw na bala ng baril ay si Bernardo Capinpin.

Samantala, ang dalawang pasahero ng pampasaherong bus na tinamaan din ng ligaw na bala ng baril ay nakilalang sina Mario Samson, 34 ng Brgy. Banga, Plaridel at Reynaldo Lacuna, 22 ng Brgy. Masuso, Guiguinto, Bulacan.

Kinukunan naman ng salaysay ang nakipagbarilang pulis na si PO2 Celestino Cruz, Jr., isang miyembro ng PNP-Special Action Force na nakatalaga sa Senado.

Sa ulat na nakarating kahapon kay P/Sr. Supt. Edgar Acuña, Bulacan PNP provincial director, nagdeklara ng holdap ang apat na nagpanggap na mga pasahero sa Baliuag Transit Bus (CVN-781) habang patungo sa Guiguinto sa harap ng isang gasolinahan.

Habang nililimas ng mga holdaper ang mga suot na alahas at pera ng 60 pasahero ay biglang tumindig at nagpakilalang pulis si Cruz kaya nagbunot naman ng patalim si Salceda ngunit kaagad naman pinaputukan at napatay.

Bandang alas-9:30 ng gabi nang makipagbarilan si Cruz sa natitira pang holdaper hanggang sa tamaan ng ligaw na bala ang dalawa pang pasahero ngunit biglang naglaho sa dilim ang tatlo. (Ulat nina Efren Alcantara/Rudy Andal)

BALIUAG TRANSIT BUS

BARANGAY BUROL UNO

BERNARDO CAPINPIN

BRGY

BULACAN

CELESTINO CRUZ

CRUZ

EDGAR ACU

EFREN ALCANTARA

GUIGUINTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with