Puslit na kemikal nasabat
August 8, 2002 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Umaabot sa 2,000 sako ng polypropylene, isang uri ng kemikal na ginagamit sa paggawa ng plastic, ang nasamsam ng mga ahente ng Enforcement and Security Service-Customs Police District (ESS-SPD) lulan sa tatlong 20-footer container van matapos na maaktuhang ipinupuslit ng dalawang truck palabas ng Subic Bay Freeport Zone, kamakalawa ng madaling araw.
Kasabay na inaresto ang dalawang driver ng truck na kinilalang sina Paulino Siman, 52, ng 1365 Area A, Gate 7, Parola, Tondo, Manila at Rene Velasco, 38, ng 1646 Amapola St., Manggahan, Pasig, Metro Manila.
Sa ulat ni Customs Police District Deputy Chief for Operations Lt. Marlon Alameda, dakong alas-2:30 ng madaling-araw kamakalawa ng maispatan nina Customs Special Agent 1 Benjamin Alvares at Dante Garcia na nagmamantine sa Tipo Exit Gate ang dalawang truck (may plate no. TDK-335 at TLC-940) na nasa aktong ipinupuslit palabas ng Freeport ang naturang mga kontrabando. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest