2 katao dakip sa 3 kilong marijuana
August 8, 2002 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Dalawa katao ang inaresto ng mga kagawad ng pulis-Dasmariñas makaraang makumpiskahan ng tatlong kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Salitran sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Ang dalawang drug pushers na ngayon ay nakapiit ay nakilalang sina Jacinta Ruben, 52 at Vicente Cappuyo, 37, kapwa may asawa at residente ng Brgy. Salitran Uno sa bayang ito.
Sa isinumiteng ulat ni PO2 Maxilito Magbitang kay P/Supt. Roberto Soriano, hepe ng pulisya sa bayang ito, isinagawa ang buy-bust bandang alas-6 ng gabi.
Nagpanggap na poseur buyer si Magbitang sa mga suspek upang makakuha ng isang kilong pinatuyong dahon ng marijuana sa halagang P1,200.
Ayon pa sa ulat ni Magbitang, nagkasundo sila ng mga suspek at itinakda ang bayaran sa naturang lugar ngunit pinagpipilitan pa ni Ruben na bilhin na ang dala pa nitong dalawang kilo.
Dahil sa kinukulit ni Ruben na bilhin na ni Magbitang ang dalang dalawang kilong marijuana ay sinenyasan na niya ang mga kasamang pulis at kaagad na nabitag ang mga suspek. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended