Lolo tinodas habang nakikipaglibing
August 8, 2002 | 12:00am
TIAONG, Quezon Isang 66-anyos na lolo ang kumpirmadong napatay makaraang saksakin ng sariling pinsan habang nakikipaglibing sa namatay na kaibigan sa Brgy. Quipot sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Tadtad ng saksak ng patalim sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Pablo M. Comia, magsasaka, samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang si Virgilio C. Herrera na kapwa residente ng Brgy. Anastacia sa bayang ito.
Base sa ulat ng pulisya, kasalukuyang nakikipaglibing ang biktima sa yumaong kaibigan patungo sa pampublikong sementeryo nang lapitan ng suspek dakong ala-una ng hapon.
Sunud-sunod na inundayan ng saksak ng patalim ang biktima kaya lumikha ng kaguluhan malapit sa sementeryo na sinamantala namang tumakas ng suspek.
May palagay ang pulisya na may kinalaman ang biktima sa pagkamatay ng kanilang kaibigan kaya ginantihan lamang ito ng suspek. (Ulat nina Tony Sandoval/Celine Tutor)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 23, 2026 - 9:00pm
June 23, 2026 - 9:00pm
June 23, 2026 - 1:00pm
June 23, 2026 - 1:00pm