Hotel supervisor patay, bell boy sugatan sa ex-policeman
August 6, 2002 | 12:00am
LUCENA CITY Dinakip ng mga operatiba ng Special Weapons and Tactics (SWAT) at Lucena Investigation Section ang isang dating miyembro ng Lucena Police dahil sa umanoy pagpaslang nito sa isang hotel supervisor at pagkasugat sa isang bell boy kamakalawa ng gabi sa Brgy. Isabang sa lungsod na ito.
Kinilala ni P/Supt. Danny Ramon E. Siongco, chief of police dito, ang dinakip na si Arnel Magpantay, dating miyembro ng Lucena police at na-dismiss dahil sa pagkakasangkot sa kasong paglabag sa RA 6425.
Batay sa isinagawang imbestigasyon nina SPO3 Marcelino Uy at SPO3 Reynaldo Belarmino, officers-on-case, si Magpantay ay positibong itinuro ng isang saksi na siyang sumaksak kay Dante Banagan, 48, may-asawa, supervisor sa Fresh Air Hotel at residente ng Immaculada Concepcion Village, Brgy. Isabang at nakasugat sa bell boy na si Roland Bitara, 28, ng naturan ding lugar.
Lumalabas sa imbestigasyon na dakong alas-10:30 ng gabi ay nagtungo sa Fresh Air Hotel ang suspect kasama ang dalawang di pa nakikilalang kalalakihan at nagtanong sa mga biktima na nooy nasa counter.
Nang di makita ang mga hinahanap sa loob ng nasabing hotel ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawang grupo hanggang sa mauwi sa suntukan. Sa gitna ng rambulan ay binunot umano ng nadakip na suspect ang patalim saka inundayan ng saksak ang hotel supervisor at ang bell boy. Mabilis na dinala sa Lucena Doctors Hospital ang mga biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga si Banagan, habang nadakip ang suspect makalipas ang ilang oras. (Ulat nina Tony Sandoval at Celine Tutor)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest