Ang mga dinakip sa bisa ng search warrant ay nakilalang sina Norman Sacandal, Hareja Sacandal, Ambulda Udin, Binan Suwaib, Akmad Pawaki, Macarag Sacandal Nawali, Murphy Udin at Sahara Suwaib.
Nakumpiska sa mga suspek ang 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P350,000, drug paraphernalia, halagang P225,000 cash, kalibre 45 baril, ibat ibang uri ng bala at pitong cellphones na ginagamit sa kanilang modus operandi.
Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naisagawa ang raid dakong alas-5 ng madaling-araw makaraang magsagawa ng masusing pagtitiktik ang mga awtoridad sa nabanggit na barangay.
Matapos na maging positibo ang modus operandi ng mga suspek ay kaagad na nagpalabas ng search warrant si Digos City Regional Trial Court Judge Marivic Trabajo Daray Branch 18. (Ulat ni Danilo Garcia)