^

Probinsiya

Natakot mabitay tumalon sa 3rd floor ng city hall, patay

-
ANTIPOLO CITY — Dahil sa takot na mabitay ay nagawang tumalon mula sa 3rd floor ng isang amang rapist habang ini-inquest sa piskalya ang kaso sa bigong pagtatangkang tumakas sa mga police escorts kahapon sa lungsod na ito.

Nabalian ng kanang tadyang maliban pa sa mga gasgas at sugat sa katawan ang rape suspect na kinilalang si Billy Malvarosa Cañares, nahaharap sa 5 counts ng rape at child abuse laban sa kanyang anak na babae na itinago sa pangalang Myla.

Napag-alaman na dakong alas-10:30 kahapon ng umaga, habang inieskortan nina PO1s Ma. Teresa Bautista at Analiza Reyes si Cañares kasama ang mag-lolong rape suspect na sina Rolly Marcial, 66, at apo nitong si Romy, 31, na nahaharap naman sa halinhinang panggagahasa sa kanilang 14-anyos na katulong, nang maganap ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang patungo sa piskalya ang dalawang police escorts at ang tatlong rape suspects sa 4th floor ng Antipolo City Hall nang bigla na lamang umanong magtatakbo sa 3rd floor ang nakaposas pang si Cañares.

Mabilis itong hinabol ng dalawang police escorts kung saan nang malapit nang maabutan ang naturang suspek ay biglang tumalon buhat sa 3rd floor.

Ang suspek ay kasalukuyan ngayong nilalapatan ng lunas sa tinamong bali sa kanang tadyang at mga pasa sa katawan sa Antipolo City Community Hospital.

Sa inisyal na imbestigasyon, buhat umano nang maaresto ang suspek kamakalawa ay palagi nang naririnig ng mga kapwa nito preso na inuusal nito na ayaw niyang mahatulan ng bitay sa kasong panggagahasa sa kanyang sariling anak.(Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ANALIZA REYES

ANTIPOLO CITY COMMUNITY HOSPITAL

ANTIPOLO CITY HALL

AYON

BILLY MALVAROSA CA

DAHIL

JOY CANTOS

MABILIS

ROLLY MARCIAL

TERESA BAUTISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with