^

Probinsiya

Trader kinidnap, pinatay

-
GENERAL TRIAS, Cavite – Dahil sa hindi napaunlakan ang hinihinging pabor ay nagawang dukutin saka patayin ang isang negosyante ng apat na kalalakihan habang ang biktima ay nagpapahinga sa kanyang bahay sa Brgy. San Francisco 2 sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na natagpuang tadtad ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan partikular na sa ulo ay nakilalang si Rafael Caparas, 42, may asawa at kasalukuyang chairman ng peace and order sa Sunny Broke Subdivision sa nabanggit na barangay.

Samantala, tatlo sa apat na suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang sina Loreto Mascardo, alyas Larry, Sabino Pagkalinawagan, alyas Kote at Emeng Santiago.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO1 Roberto Lanzaga, pinasok ng apat na suspek ang bahay ng biktima bandang alas-8 ng gabi habang nakahiga sa loob ng kanyang bahay.

Ilan sa mga nakasaksi ang nagsabing isinakay ang biktima sa puting kotse na walang plaka at dinala sa hindi nabatid na direksyon.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, kinaumagahan ay natagpuan ang bangkay ng biktima sa isang liblib na lugar sa Sitio Panuka, Brgy. Llana, Trece Martirez City.

Kasalukuyang inaalam ng mga imbestigador ang tunay na motibo ng krimen sa mga kapitbahay upang tumibay ang kaso laban sa tatlong suspek na nakilala. (Ulat ni Cristina Timbang)

BRGY

CRISTINA TIMBANG

EMENG SANTIAGO

LORETO MASCARDO

RAFAEL CAPARAS

ROBERTO LANZAGA

SABINO PAGKALINAWAGAN

SAN FRANCISCO

SITIO PANUKA

SUNNY BROKE SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with