Tadtad ng tama ng malalakas na kalibre ng baril ang katawan ng biktimang si Bobby Vilacojer na hinarang ng mga rebelde dakong alas-2 ng hapon.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, tinangka pa ng biktima na tumakbo pabalik sa kanyang bahay ngunit niratrat ng mga rebelde.
Gayunman, nagresponde naman ang mga elemento ng 25th Infantry Battalion sa pamumuno ni Sgt. Erot ng Philippine Army upang tugisin ang mga rebelde ngunit hindi na inabutan. (Ulat ni Danilo Garcia)