Amang rapist nasakote

PILILIA, Rizal – Posibleng hatulang mabitay ang isang rapist na ama makaraang ireklamo ng sariling anak na babae sa himpilan ng pulisya sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang nakapiit sa police detention cell ang suspek na si Rizalito Masarap, ng Brgy. Hulo sa bayang ito, samantala, ang biktima na 11-anyos ay itinago naman sa pangalang Annie.

Nabatid sa reklamo ng biktima sa himpilan ng pulisya, apat na beses na siyang minomolestiya ng sariling ama kapag naiiwang mag-isa sa bahay.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na naaktuhan ng ina ng biktima ang maitim na balak ng suspek sa loob ng kanilang bahay makaraang dumating sa hindi inaasahang pagkakataon kaya mabilis na humingi ng tulong sa mga brgy. tanod. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments