4 estudyante nahuli ng principal sa aktong 'nagda-damo'
August 2, 2002 | 12:00am
BINANGONAN, Rizal Apat na estudyante sa high school ang itinurn-over ng kanilang principal sa pulisya matapos na maaktuhang humihitit ng marijuana sa comfort room ng kanilang paaralan kamakalawa ng umaga sa bayang ito.
Kinilala ang mga dinakip na binatilyo na itinago sa pangalang Leo, 17; Miguel, 16, Mar, 13; at Rene, 13, pawang mga mag-aaral sa Don Vicente Madrigal High School sa Brgy. Pantok ng naturang munisipalidad.
Sa ulat ng Binangonan Police, bandang alas-9 ng umaga ng maaktuhan ng principal na nakilalang si Maria Ansie Barrameda ang mga bata na halinhinan sa paghitit ng marijuana.
Napag-alaman na kasalukuyang nagkla-klase ang mga mag-aaral nang biglang mag-excuse ang apat para magtungo sa banyo.
Nabatid na isa umano sa kaklase ng mga biktima ang nakaamoy sa mabahong usok ng marijuana kung saan ay nagsumbong ito sa principal.
Sa pag-aakalang nagsisigarilyo ang apat na estudyante na mahigpit na ipinagbabawal sa nasabing eskuwelahan kayat napilitan itong pasukin ang banyo.
Laking gulat ng principal nang matuklasang marijuana pala ang hinihitit ng mga estudyante.
Nasamsam sa pag-iingat ng apat ang pinatuyong dahon ng marijuana na nakuha sa bulsa matapos kapkapan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended