Frat hazing: 24 estudyante nabiktima
August 1, 2002 | 12:00am
SAN LORENZO RUIZ, Camarines Norte Umaabot sa dalawamput apat na estudyante na nagkaroon ng maraming pasa sa katawan ang nabiktima ng fraternity hazing noong Sabado at Linggo ng umaga sa bayang ito.
Dahil sa reklamo ng mga magulang nina Leopoldo Ibita, Jr. at Marlon Efondo ay nabulgar ang isinagawang hazing ng Citizens Army Training (CAT) sa San Lorenzo Ruiz National High School na pinangunahan ni Ronald Rafael, tumatayong CAT commandant kasama ang ilang dating opisyales ng SLRNHS.
Nabatid sa ulat ng pulisya, labingdalawang kalalakihan at labingdalawang kababaihang estudyante ang nakaranas ng pagpapahirap sa kamay ng mga senior member ng fraternity at kasalukuyang pinaiimbestigahan ni Mayor Edgar Ramores. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest