^

Probinsiya

Misis ginulpi ni mister dahil sa game show

-
ANTIPOLO CITY – Bugbog-sarado ang inabot ng isang 32-anyos na misis sa kanyang mister matapos nitong pagkamalang ililipat ng channel ang sikat na game show na pinanonood ng huli sa kanilang telebisyon sa lungsod na ito.

Halos magsara ang kaliwang mata at nagtamo ng mga pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Joselyn Panhalla, ng Phase IV-B, Brgy. Dela Paz ng nabanggit ng lungsod.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang mister nitong si Lucio, 36, mekaniko na mabilis na tumakas matapos malamang nagreklamo sa pulisya ang kanyang asawa.

Nabatid na bandang alas-7:15 kamakalawa ng gabi ay pinanonood ng suspek ang "Game K N B" sa Channel 2 kung saan si Kris Aquino ang host.

Ang biktima na hawak-hawak ang remote control ng TV ay panay naman ang lipat sa "Ready Text Go!" na kalaban nitong Channel 7 kung saan si Michael V. naman ang host tuwing magkakaroon ng commercial gap.

Dahil dito, sinaway umano ng suspek ang biktima na huwag ilipat ang palabas ngunit panay pa rin ang lipat ng ginang kaya sinigawan na ito ng kanyang mister.

Sa puntong ito ay nagkaroon ng palitan ng maaanghang na salita ang dalawa hanggang sa bigla na lamang gulpihin ng suspek ang biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

BRGY

BUGBOG

DAHIL

DELA PAZ

GAME K N B

JOSELYN PANHALLA

JOY CANTOS

KRIS AQUINO

MICHAEL V

READY TEXT GO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with