^

Probinsiya

Rapist na ama hinatulang mabitay

-
SAN MATEO, Rizal – Hinatulan kahapon ng bitay ang isang 50-anyos na ama matapos na mapatunayang ginahasa nito ang sariling anak na babae sa bayang ito.

Sa 12-pahinang desisyon ni Judge Jose Reyes, Jr, ng San Mateo Regional Trial Court Branch 76, hinatulang mabitay si Rodolfo Wenceslaco ng Gitnang Bayan 1, San Mateo.

Bukod sa hatol na bitay, pinagbabayad din ng korte ang akusado ng halagang P120,00 sa biktima bilang danyos perwisyo.

Lumalabas sa record ng korte, sinimulang isinagawa ang maitim na balak ng akusado sa sariling anak noong siyam na taong gulang pa lamang at ngayon ay 13-anyos na.

Hindi naman kaagad nakapagreklamo ang biktima dahil sa pinagbabantaang papatayin ang kanyang ina at kapatid na babae.

Pinahalagahan naman ng korte ang testimonya ng nakatatandang kapatid na babae ng biktima na naaktuhan niya sa loob ng kanilang bahay ang maitim na balak ng akusado. (Ulat ni Joy Cantos)

BUKOD

GITNANG BAYAN

HINATULAN

JOY CANTOS

JUDGE JOSE REYES

LUMALABAS

PINAHALAGAHAN

RODOLFO WENCESLACO

SAN MATEO

SAN MATEO REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with