P.1-M naholdap sa gasolinahan
July 29, 2002 | 12:00am
BACOOR, Cavite Tinatayang aabot sa halagang P.1 milyon ang natangay sa isang gasolinahan ng anim na holdaper sa kahabaan ng Green Valley Subdivision, Brgy. San Nicolas 3 sa bayang ito kamakalawa ng umaga.
Dalawa sa mga suspek ay nakilalang sina Arnel Daza at Richard Sikuya na bago tumakas ay kinuha pa ang baril ng guwardiya ng Jetti gasoline station bandang alas-10:20 ng umaga.
Base sa ulat ng pulisya, isa sa mga suspek ay pumasok sa convenience store ng naturang gasolinahan bago dumating ang isang kotseng Mitsubishi na kulay blue (GND-345).
Kaagad na tinutukan ng baril ng isa sa mga suspek ang sekretaryang si Jocelyn Hernandez saka pilit na pinabubuksan ang vault na kinalalagyan ng pera.
Dahil sa takot ni Hernandez ay napilitang buksan ang vault na naglalaman ng malaking halaga.
Mabilis namang kinuha ang P.1 milyon saka nagsitakas sa hindi nabatid na direksyon.
Narekober ang kotse na ginamit na get-away ng mga holdaper sa Gardenia Valley Subdivision. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended