^

Probinsiya

Mag-amang namanhikan pinagtataga

-
BASUD, Camarines Norte – Nakikipaglaban ngayon kay kamatayan ang isang 19-anyos na lalaki habang ang kanyang ama ay ligtas na sa kamatayan matapos na pagtatagain ng dalawang suspek habang ito ay namamanhikan sa Purok 2 Brgy. Guinatungan ng nasabing bayan kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang sina Rodolfo Soriano, 46-anyos at ang anak na si Rogelio, 19, magsasaka kapwa residente ng Brgy. Guinatungan.

Ang mag-amang suspek ay nakilalang si Jose Bermil, 48-anyos na agad na nadakip ng mga awtoridad habang ang anak nito ay nakilalang si Zaldy Bermil ay patuloy na nagtatago sa batas.

Sa panayam ng PSN kay SPO1 Juanito Bocatcat, may hawak ng kaso, nabatid na bandang alas-7:45 ng gabi, habang ang dalawang biktima ay kasalukuyang nasa bakuran ng pamilyang Marcaida upang mamanhikan ang batang Soriano (biktima) ng biglang dumating ang mag-amang suspek na armado ng itak.

Mabilis na inundayan ng taga ang mga nabiglang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na mabilis na isinugod sa Camarines Norte Provincial Hospital habang ang dalawang suspek ay agad na tumakas.

Nasa kritikal na kondisyon ang batang Soriano sanhi ng malalim na tama ng taga sa batok, ligtas na sa kamatayan ang matandang Soriano matapos na magtamo ng taga sa noo at ibang parte ng katawan.

Hindi pa malaman ng mga awtoridad ang tunay na motibo ng nasabing pananaga. (Ulat ni Francis Elevado)

vuukle comment

BRGY

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE PROVINCIAL HOSPITAL

FRANCIS ELEVADO

GUINATUNGAN

JOSE BERMIL

JUANITO BOCATCAT

RODOLFO SORIANO

SORIANO

ZALDY BERMIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with