Puslit na luxury vehicle narekober sa car plaza
July 25, 2002 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Narekober ng mga ahente ng Subic Enforcement and Security Service (SESS) ang naipuslit na luxury vehicle sa kilalang car plaza sa Quezon City kamakalawa ng hapon.
Sa ulat ni Subic District Customs Police Deputy Chief Lt. Marlon Alameda, nabawi ang bagong Toyota Land Cruiser (VX-100) Wagon 2002 na naipuslit noong Mayo 20, 2002 sa mismong main gate ng Subic Bay Freeport Zone dahil sa ginamitan ito ng kulay asul na plakang may numero.
Nabatid pa kay Subic Customs Police Chief Capt. Elpidio Manuel na ang smuggled luxury car na naka-consignee sa HOF Subic International Corp. ay umiiwas na magbayad ng customs duties and taxes na halagang P5 milyon bago nadiskubreng naka-display sa kilalang car plaza sa Quezon City at tangkang ipagbili sa halagang P3.5 milyon. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest