^

Probinsiya

5 preso pumuga

-
DAVAO CITY — Limang preso na may mga kasong nakabinbin sa korte ang iniulat na nakapuga mula sa malayong municipal jail sa Malita, Davao del Sur noong Lunes, Hulyo 22, 2002.

Sa naantalang ulat mula sa Southern Mindanao PNP command sa Camp Caitipan, ang mga pumugang preso ay nakilalang sina Dionesio Culas (theft), Doydoy Latang (murder), Dondon Enrique (murder), Manuel Balco (cattle-rustling) at Gordon Congo (robbery with attempted homicide).

Gayunman, si Congo na nagtungo sa kanyang malapit na kamag-anakan sa Sitio Sigalig sa Brgy. Bulila ay kaagad naman nadakip ng mga tumutugis na pulisya.

Nadiskubre ang pagpuga ng mga preso makaraang mapansin ng guwardiya ang butas sa selda, isang oras matapos maganap ang jailbreak na pinaniniwalaang nilagare ang rehas na bakal. (Ulat ni Edith Regalado)

BRGY

CAMP CAITIPAN

DIONESIO CULAS

DONDON ENRIQUE

DOYDOY LATANG

EDITH REGALADO

GORDON CONGO

MANUEL BALCO

SITIO SIGALIG

SOUTHERN MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with