^

Probinsiya

Empleyado ng bangko natangayan ng P.5-M

-
BACOOR, Cavite – Tinatayang aabot sa halagang P.5 milyon ang natangay sa isang empleyado ng bangko makaraang holdapin ng anim na hindi kilalang armadong kalalakihan sakay ng motorsiklo sa Brgy. Poblacion, Bacoor, Cavite kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang naholdap na biktima na si Arthur Castor, marketing asst. ng Sta. Rosa Rural Bank na magdedeposito ng malaking halaga sa katapat na bangko kasama ang isang sekyu na si Antolin Ferrer.

Sa ulat ni PO2 Ernesto Caparas, bandang alas-2:30 ng hapon nang harangin ng mga holdaper ang mga biktima habang papatawid na may dalang bag na naglalaman ng P.5 milyon.

Walang nagawa ang dalawa kundi ibigay ang pera dahil sa tinutukan sila ng mga holdaper sakay ng motorsiklo (TT-3632) na ginamit din sa krimen sa MJJ Hardware sa Green Valley, San Nicolas 3, Bacoor, Cavite kamakailan. (Ulat ni Lanie Mate-Sapitanan)

ANTOLIN FERRER

ARTHUR CASTOR

BACOOR

BRGY

CAVITE

ERNESTO CAPARAS

GREEN VALLEY

LANIE MATE-SAPITANAN

ROSA RURAL BANK

SAN NICOLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with