PNP vs 3 holdaper: 1 patay, 2 grabe

VINZONS, Camarines Norte – Tatlong holdaper na nanloob sa isang gasolinahan sa Brgy. San Isidro, Poblacion ang nakipagbarilan sa mga kagawad ng pulisya na ikinasawi ng isa, samantala, dalawa naman ang malubhang nasugatan kamakalawa ng gabi.

Ang nasawing holdaper ay nakilalang si Roberto Canapit, 26, ng Brgy. 4 Mantagbak, Daet, Camarines Norte habang sina Rodrigo Copino, 40, ng Brgy. Gahonon at Melchor Dishoso, 26, ay kapwa nasa kritikal na kondisyon dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa katawan.

Batay sa ulat ni P/Sr. Supt. Florencio Magundayao, PNP provincial director, hinoldap ng tatlo ang gasolinahan ni Susan Nuñez dakong alas-7:45 ng gabi ngunit nakahingi kaagad ng tulong sa pulisya ang ilang tauhan ng may-ari kaya mabilis naman naabutan ang mga suspek sakay ng motorsiklo (VP-6638) bago nakipagbarilan. (Ulat ni Francis Elevado)

Show comments