Jailbreak: 8 preso pumuga
July 16, 2002 | 12:00am
CANTILAN, Surigao Del Sur Walong kilabot na preso ang iniulat na pumuga buhat sa provincial jail matapos na samantalahin ang kaluwagan ng seguridad, kahapon ng madaling-araw.
Nakilala ang mga tumakas na sina Gaudencio Layno (murder), Elesio Macuray (murder), Peter Sandaya (murder), Pedro Lantaca (frustrated murder), Romualdo Salumon (rape), Arturo Juba (rape), Armerson Morante (carnapping) at Junmar Morante (carnapping).
Sa ulat na ipinarating sa Camp Crame, naganap ang pagpuga ng mga preso dakong alas-3 ng madaling-araw mula sa loob ng Cantilan Provincial Sub-Jail.
Pinasimulan umano ang pagkakataong makatakas ni Layno, isang dating miyembro ng CAFGU na nahatulan ng 10-17 taon na pagkakulong sa kanyang kaso kamakailan. Sinamantala nito ang pagkakatulog ng kanilang guwardiya na si PGI Huberto Diaz.
Winasak ng mga preso ang kalawanging rehas na bakal ng selda at isa-isang tumalon nang hindi nalalaman ng mga nakatalagang guwardiya.
Kasalukuyang nagsasagawa na ng pursuit operation ang pulisya upang muling madakip ang mga preso. Nakikipag-ugnayan ngayon ang mga awtoridad sa mga kamag-anak ng mga tumakas na isuko ang kanilang mga kapamilya upang hindi pa lalong lumala ang kaso ng mga ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest