^

Probinsiya

Obrero binoga habang nagbi-video karera

-
CANDELARIA, Quezon Sabog ang kaliwang mata at butas ang balikat ng isang obrero matapos na ito ay barilin ng tatlong kalalakihan habang ang biktima ay naglalaro ng video karera machine sa tabi ng kanyang bahay sa Barangay Malabanan Norte sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na namatay habang isinusugod sa ospital ng Maynila ay nakilalang si Reynaldo De Chavez, 39, may-asawa at residente ng naturang lugar habang tumakas naman ang suspek na si Henry Magdaraog at ang dalawang kasama nitong hindi nakuha ang pangalan na pawang mga residente ng Barangay Pahinga Uno.

Ayon sa ulat ni Chief Inspector Nelson Lequin, chief of police sa bayang ito na naganap ang insidente ng dakong alas-6:00 ng gabi. Abalang-abala umano ang biktima sa paglalaro ng video karera ng ito ay lapitan ng mga suspek. (Ulat ni Tony Sandoval)

ABALANG

AYON

BARANGAY MALABANAN NORTE

BARANGAY PAHINGA UNO

CHIEF INSPECTOR NELSON LEQUIN

HENRY MAGDARAOG

MAYNILA

QUEZON

REYNALDO DE CHAVEZ

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with