^

Probinsiya

3 kandidato sa barangay election todas, misis dinamay

-
Patuloy ang pagdanak ng dugo kaugnay ng gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Election sa Lunes makaraang apat katao na kinabibilangan ng dalawang kandidato sa pagka-barangay chairman, isang kandidato sa pagka-kagawad at misis nito ang masawi sa tatlong magkakahiwalay na lugar kamakailan.

Nakilala ang mga nasawi na sina Ret. Phil. Army 2nd Lt. Pio Isip, 53, tumatakbo bilang kapitan ng barangay sa Brgy. 7, Buenavista, Agusan del Norte; Emerito Capital,incumbent barangay chairman ng Brgy. Mahaba, Ligao, Albay; Elias Abud, barangay treasurer at tumatakbong kagawad at ang misis nitong si Josephine ng isang barangay sa Sitio Labak, Maitum, Sarangani.

Base sa magkakahiwalay na ulat, hinihinalang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang siyang responsable sa pamamaslang kay Isip na ikinasugat din ng dalawang supporters nito na sina Gerry Boy Paterno at Elizer Erasmo makaraang tambangan ang mga ito habang papauwi galing sa kampanya sa Sitio Macan- ban, Brgy. Sangay Buenavista, Agusan del Norte.

Rebeldeng NPA din ang siyang iniulat na responsable sa pagpaslang kay Capital dahil sa pagiging aktibong miyembro nito ng Civilian Arm Forces Geographical Unit (CAFGU) sa Mahab, Ligao, Albay.

Si Capital ay pinaslang habang ito ay nangangampanya sa isang sales lady sa isang hardware store sa lalawigang ito kamakalawa ng tanghali.

Hinihinalang mga kaalitan sa lupain naman ang responsable sa pananambang at pagpaslang sa mag-asawang Abud sa Brgy. Poblacion, Sitio Labak, Maitum, Sarangani.

Nabatid na patungo sa isang pulong ang mag-asawang Abud na kung saan kandidato ang lalaki sa pagka-kagawad at kasalukuyang treasurer nang tambangan ng mga armadong kalalakihan at pagbabarilin kamakalawa. (Ulat nina Danilo Garcia at Tony Sandoval)

ABUD

AGUSAN

ALBAY

BRGY

CIVILIAN ARM FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

DANILO GARCIA

ELIAS ABUD

ELIZER ERASMO

EMERITO CAPITAL

SITIO LABAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with