Hapones dinedo ng 2 mandurugas

BALANGA, Bataan – Dahil sa nanlaban sa dalawang mandurugas ay pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang isang Hapones sa Brgy. Alas-asin, Mariveles, Bataan noong Sabado ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mikio Ashimura, 58, tubong Fukuka, Japan, samantala, ang mga suspek na kaagad naman nadakip ng pulisya sa pamumuno ni SPO2 Sammy Caballero sa Sasmuan, Pampanga ay nakilalang sina Ricky Junio, 21 at Orlando De Vera, 23, kapwa residente ng Lupang Pangako, Brgy. Mountain View ng naturang lugar.

Ayon sa ulat na isinumite kay P/Supt. Sahiron Salim, Bataan PNP provincial director, positibong kinilala ni Divina Ogata ang mga suspek na huling pumasok sa bahay ng biktima bago matagpuan ang duguang bangkay nito. (Ulat ni Jonie Capalaran)

Show comments